-- Advertisements --

Ikinagalit ng Israel ang pag-akusa ni Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva na sila ay nakagawa ng genocide sa laban nito sa Gaza.

Ikinumpara pa ng Brazilian President ang ginawang kampanya noon ni Adolf Hitler na pinagpapatay ang mga Hudyo.

Isinagawa nito ang pahayag habang dumadalo siya sa African Union Summit.

Dagdag pa nito na ang nangyayari ay hindi giyera sa kapwa sundalo ng magkabilang panig at sa halip at sa mga sundalo laban sa mga walang kalaban-laban na mga kababaihan at kabataan.

Dahil dito ay nakatakdang ipatawag ni Israeli Foreign Minister Israel Katz ang kanilang Brazil ambassador ukol sa nasabing pahayag ng pangulo ng Brazil.