-- Advertisements --

Kinumpirma ng Israel na tinamaan ng kanilang missiles ang al-Zahraa School at Abdel Fattah Hamoud School na matatagpuan sa northern Gaza Strip.

Pumalo na sa kabuuang 12 katao ang nasawi sa nasabing insidente.

Ayon sa Israel Defense Forces na bago ang pag-atake ay pinag-aralan nilang mabuti ang lugar para maiwasan na tamaan ang mga sibilyan.

Depensa ng Israel na ang nasabing paaralan ay ginagamit umano ng mga Hamas terrorist at commanders bilang command and control centers kung saan doon nila isinasagawa ang pagpaplano bago isagawa ang pag-atake.