-- Advertisements --

Inako ng Israel ang naganap na air strike sa Beirut Lebanon.

Ayon sa Israel, na target nila ang Hezbollah commander na siyang responsable sa Majdal Shams attacks noong nakaraang Sabado.

Gumamit ang Israel Defense Forces ng drone na nagpakawala ng tatlong missiles.

Itinuturing ng Israel na isang pagganti ang ginawa nila.

Una ng nagbabala si Hezbollah chief Hassan Nasrallah na kapag inatake ng Israel ang capital na Beirut ay hindi sila magdadalawang isip na umatake sa Tel Aviv.

Nagbabala naman ang White House na ang pagganti ng Israel ay hindi magtatapos sa nasabing kaguluhan sa lugar.

Kinondina naman ng Iran ang nasabing insidente kung saan magdudulot ito ng mas matinding kaguluhan.