-- Advertisements --
Inakusahan ni Israeli Defense Minister Israel Katz ang Hezbollah na hindi sinusunod ang mga termino sa ceasefire deal.
Isa sa mga tinukoy nito ay ang hindi pa pag-atras ng Hezbollah sa border nila ng Litani River.
Ibinabala pa rin nito na kapag hindi ito nasunod ay mapipilitan ang Israel na gumawa ng hakbang para matiyak na ligtas ang pagbabalik ng mga residente sa kanilang bahay.
Nakasaad kasi sa ceasefire deal na dapat ang mga sundalo ng Israel ay aalis na sa Lebanon pagdating ng Enero 26.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagkasundo ang Hezbollah at Israel ng peacetalks matapos na mamamgitan ang ilang mga bansa.