-- Advertisements --

Tinarget ng Israel ang southern Beirut sa Lebanon kung saan nagtatago ang Hezbollah commander.

Ayon sa Israel Defense Forces na gumamit sila ng drones na nagpakawala ng mga missiles.

Ang nasabing pag-atake ay target si Fuad Shukr o kilala din sa pangalang al-Hajj Mohsin na siyang nasa likod umano rin ng pag-atake sa Golan Heights na ikinasawi ng 12 bata.

Sa nasabing atake ay nasira ang limang palapag na gusali at nasawi ang isang babae.

Ang nasabing Hezbollah commander ay may reward na $5-milyon mula sa US State Department.