Muling nag-alok ang Israel ng panibagong kasunduan sa Hamas para tuluyang mapalaya ang mga bihag.
Ito ay kasunod ng pagtungo ng political chief ng Hamas sa Egypt para kausapin ang pangunahing mediator.
ilan sa mga proposal ay ang pagkakaroon ng isang linggong ceasefire para mabigyang daan ang paglaya ng mga bihag.
Nagkaroon ng pressure ang Israel sa labanan sa Hamas matapos na mapatay nila ang tatlong bihag na inakala nilang mga miyembro ng Hamas.
Sang-ayon naman si US President Joe Biden na buksan muli ng Hamas at Israel ang kasunduan ng tigil putukan.
Ayon sa US President na mula pa noon ay kanila na itong isinusulong kasama ang ibang mga bansa.
Una na ring sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil hanggang tuluyang masawata ang Hamas militants.