Inanunsyo ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na magpapatuloy ito sa pakikipagdigmaan laban sa Gaza hanggang sa makamit ang tagumpay laban sa Hamas.
Sinasabi ng Israel na ang digmaan sa Gaza ay magpapatuloy ‘with or without international support’.
Matatandaan sinabi kasi ni US President Joe Biden na nagsisimula nang mawalan ng suporta ang buong mundo sa Israel dahil sa “indiscriminate bombing” nito sa Gaza.
Ang pahayag ay dumating isang araw pagkatapos na pinagtibay ng UN General Assembly ang isang non-binding resolusyon na humihiling ng tigil-putukan.
Dagdag dito, ang relasyon sa pagitan ng Israel at ng UN ay umabot sa pinakamababang antas sa ilang mga kadahilanan.
Habang ang labanan ay patuloy na umiigting sa buong Gaza habang ang mga puwersa ng Israeli ay naghahangad na alisin ang lahat ng mga miyembro ng Hamas.