-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Israeli Air Force (IAF) Commander Maj Gen Tomer Bar ang ginagawa nilang airstrike sa mga kuta ng Houthi rebels sa Yemen.

Sinabi nito, nagpapakita lamang ang kanilang lakas ay kakayahan.

Mas malakas pa aniya ang kanilang kakayahan kaysa sa mga unang ipinakita nila.

Tinawag naman ni Houthi spokesman Mohammed Abdulsalam ang ginagawa ng Israel na airstrike bilang “crime against Yemeni people”.

Pagtitiyak din nila na sila ay gaganti sa insidente.