-- Advertisements --

Itinanggi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na may kasama silang mga international forces sa border ng Egypt at Gaza.

Sinabi nito na kayang-kaya ng kaniyang mga sundalo na bantayan ang Philadelphi Corridor.

Pagtitiyak din ito na magpapatuloy ang kanilang laban sa Hamas hanggang hindi sumasang-ayon ang mga ito sa ceasefire deal.

Magugunitang nagsimula na ang ginagawang pag-uusap ng US, Egypt at Israel para sa pagsusulong ng ceasefire deal.