-- Advertisements --

Itinuloy na rin ng Israel ang pagpapakawala ng 110 Palestinian prisoners bilang bahagi ng ceasefire at hostage deal sa Hamas.

Ang lahat ng mga pinakawalang preso ay inilipat sa ilang detention facilities ng Israel partikular na sa Ofer at Ketzoit prison.

Kapalit nila ang walong bihag na unang pinakawalan ng Hamas nitong Huwebes.

Kabilang sa pinakawalan ng Israel ay si Zakaria al-Zubeidi na isang high-profile Palestinian prisoner.

Siya ang namuno sa kaguluhan sa Palestine noong 2000 kung saan commander ito ng Jenin branch ng Al-Aqsa Martyrs Brigades ang militant wings ng Palestinian political party na Fatah.

Una rito ay sumiklab ang kaguluhan matapos na maantala ng isang araw ang naging pangako ng Israel sa pagpapakawala ng mga Palestinian prisoners.

Gumamit ng mga rubber bullets ang otoridad sa Palestine dahil sa kilos protesta sa bahagi ng West Bank.