-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ng Israel ang kanilang military operations sa Rafah City sa Gaza kahit na magsimula na ang Ramadan.

Sinabi ni war cabinet minister Benny Gantz na hanggang hindi napapakawalan ng Hamas ang kanilang mga bihag ay hindi sila titigil kahit na magsimula ang Ramadan sa Marso 10.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 130 bihag na hawak pa rin ng Hamas kung saan patuloy ang panghihikayat ng ibang mga bansa na pakawalan na ang mga ito.

Una ng iginiit ng Israel na hindi ito tatalima sa anumang pakiusap na tigil putukan.