-- Advertisements --

Kasalukuyang nagsasagawa ang Israel ng precise strikes sa military targets nito sa Iran.

Ayon kay IDF Spox. RAdm. Daniel Hagar, ang naturang strikes ay bilang tugon sa ilang buwang tuluy-tuloy na pag-atake mula sa rehimen ng Iran at matapos ang pagpapaulan nito ng halos 200 ballistic missiles sa Israel noong Oktubre 1.

Base sa news agency na malapit sa Iran Revolutionary Guards, ilang military bases sa west at south west ng kabisera ng Iran na Tehran ang na-target.

Samantala, nilinaw naman ng Amerika na hindi ito sangkot sa inilulunsad na strikes ng Israel sa Iran ngayong Sabado ayon sa isang opisyal mula sa US Defense at sinabing na-briefing na din sa inilunsad na strikes ng Israel sa Iran sina US President Joe Biden at VP Kamala Harris na kapwa nangangampaniya sa Texas at maigting aniyang nakasubaybay ang Pangulo sa mga development.