Kinansela ng Israel ang biyahe ng pinuno ng Mossad nito o foreign intelligence service para sana muling magsagawa ang negosasyon sa posibleng ikalawang kasunduan para sa pagpapalaya ng mga bihag ng militanteng Hamas sa Gaza.
Ito ay matapos kanselahin ng Israeli war cabinet na pinamumunuan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang nakatakdang pagbiyahe ni Mossad director David Barnea at mga senior Israeli officials.
Ikinagulat at ikinagalit naman ng mga pamilya ng ilang mga binihag na Israeli ang naturang desisyon at humiling ng paliwanag sa pagbasura sa kahilingan ng Director ng Mossad n magkaroon ng panibagong kasunduan para sa pagpapalaya sa mga bihag.
Mula ng magpaso ang 7 araw na tigil putukan ay hindi na nasundan pa ang pormal na negosasyon sa Doha, Qatar na siyang namamagitan para sa pag-uusap sa pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas.
Subalit ayon sa ilang source, hindi tumitigil ang Israel, US at Qatar sa paghahanap ng mga paraan para muling mabuksan ang pag-uusap ukol dito.
Base sa tanggapan ni Israeli Pime Minister Benjamin Netanyahu, tintayang nasa 135 na bihag pa ang nananatili sa kamay ng mga Hamas sa Gaza kung saan 116 dito ang buhay pa.