-- Advertisements --
Magpapadala ang Israel ng nasa isang milyong doses ng COVID-19 vaccine sa Palestinian Authority (PA) bilang bahagi ng kasunduan.
Ipapamigay nila ang Pfizer-BioNTech vaccines na malapit ng mag-expire.
Binabatikos kasi ang Israel dahil sa wala itong ginawang hakbang para mabakunahan ang mga sakop nitong teritoryo.
Umaabot na sa 55 percent ng mga Israel ang nabigyan na ng dalawang doses sa mass vaccination campaign ng gobyerno matapos na makakuha sila ng isang miyong doses mula a Pfizer-BioNTech.
Mismong si Prime Minister Naftali Bennett ang nag-anunsiyo sa pagpapadala ng hanggang 1.4 milyon doses ng bakuna.
Hindin naman binanggit kung kailan ito ipapadala sa Palestine.