-- Advertisements --
Magsasagawa ng panibagong halalan ang Israel matapos na bigong makabuo ng coalition government si Prime Minister Benjamin Netanyahu mula sa mga bagong halal na miyembro ng parliyamento sa katatapos na halalan noong Abril 9.
Itinakda ang halalan sa Setyembre 17 kung saan ito ang unang pagkakataon na bigong makabuo ng gobyerno ang Israel matapos ang general elections.
Ang panibagong halalan ay napagkasunduaan ng mga mambabatas kung saan nakakuha ng 74 na boto ang sumang-ayon ng panibagong halalan kumpara sa 45 na komontra.
Ilan sa itinuturong dahilan ni Netanyahu kaya nahirapan itong bumuo ng gobyerno ay dahil marami sa kaniyang mga kaalyado ang komokonntra sa kaniya.