Mas dinoble ng Israel ang kanilang airstrike sa Lebanon.
Ayon sa Israel Defense Forces na kanilang tinamaan ang mahigit na 1,100 na targets gamit ang mahigit na 1,400 na mga missiles at armas sa southern at eastern Lebanon.
Gamit ang mga drones at eroplanong pandigma ay isinagawa ng Israel ang 650 na atake.
Tinamaan nila ang mga gusali, sasakyan at mga opisina sa Lebanon.
Nanawagan naman ang maraming bansa na dapat ay gumawa na ng hakbang ang United Nations para mapababa ang kaguluhan sa Lebanon.
Mayroon ng mahigit na 360 ang nasawi sa Lebanon kung saan kinabibilangan ito ng mga bata at maging ang mga kababaihan.
Kinondina rin ng grupong Save the Children ang dumaraming bata na nasasawi dahil sa airstrike ng Israel.
Tiniyak naman ni US President Joe Biden na gumagawa rin ito ng paraan para tuluyang maibsan ang tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanon.
Ipinaliwanag naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi nila target ang mga mamamayan ng Lebanon at sa halip at ay ang Hezbollah.
Dapat aniya na maliwanagan ang mga mamamayan ng Lebanon na ginagamit sila ng Hezbollah para maging human shield.