-- Advertisements --

Mas pinaigting pa ng Israel ang kanilang airstrike sa border nila ng Lebanon.

Umabot sa 14 magkakasunod na airstrike sa iba’t-ibang bayan ng Khiam malapit sa border ng Israel ang tinamaan.

Itinuturing kasi ng Israel na ang nasabing lugar ay siyang pinakamalaking kuta ng mga Hezbollah.

Iginiit ng Israel Defense Forces na hindi sila titigil hanggang hindi nauubos ang mga Hezbollah militants.