-- Advertisements --
Mas pinaigting pa ng Israel military ang kanilang pag-atake sa mga Hamas militant na nakabase sa Gaza.
Kasunod ito sa naging pahayag ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi sila titigil at patatalo sa pang-aatake laban sa mga Hamas militants.
Isinagawa ng Israel ang airstrike sa mga pinagkukutaan ng mga Hamas militants.
Aabot na sa 119 na ang nasawi sa ginagawang opensiba ng mga Israel sa Gaza kung saan 31 dito ay mga kabataan at 19 ay mga babae.
Mayroong 830 na katao rin ang nasugatan sa nasabing insidente.