Ibinunyag ng Hamas militants na nagmamatigas ang Israel na tumugon sa panawagan ng maraming mga lider ng bansa na magkaroon ng ceasefire.
Sinabi ni Hamas spokesman sa Gaza na si Hazem Qassem, na wala pang petsa kung kailan ang ceasefire dahil sa patuloy na pagmamatigas ng Israel.
Matutuloy lamang daw ang ceasefire kapag tumigil na ang Israel sa pagbomba nito sa Gaza.
Sa panig naman ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, determinado ito ng ituloy ang nasabing pagbomba sa Gaza hanggang maibalik ang kapayapaan at matiyak ang seguridad ng kaniyang mamamayan.
Ang pahayag ni Netanyahu ay kasunod ng pag-uusap nila sa telepono ni US President Joe Biden na dapat bawasan na ang pag-aatake.
Dagdag pa ng top offiicial, pinuri niya ang suporta ni Biden sa pagdepensa ng Israel sa sarili nito.