-- Advertisements --

Nasa bansa na ang grupo ng mga medical experts mula sa Israel para payuhan ang gobyerno sa paglaban nito sa COVID-19 pandemic.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-4 p.m. nitong Linggo sina Avraham Ben Zaken, Adam Nicholas Segal at Dafna Segol.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine Cczar Carlito Galvez Jr na mananatili ang mga ito hanggang Hunyo 25 para ibahagi ang kanilang mga karanasan sa distribusyon ng mga bakuna.

Tutulong ang mga ito para mas lalong mapabuti pa lalo ang vaccination roll-out ng bansa.

Dagdag pa ni Galvez, nais nilang mapag-aralan ang mga best practices na ipinapatupad sa Israel at kung maari ay maipatupad din sa bansa.

Magugunitang naging matagumpay ang ginawang pagpapabakuna ng Israel sa kanilang mga kababayan kung saan sa ngayon ay puwede ng lumabas ng bahay ng walang suot na face mask.