-- Advertisements --

Ibinunyag naman ng Israeli military na kanilang nakontrol na ang nasa 60 – 70 percent ng Rafah City sa southern Gaza.

Matapos ang mahigit na 40 araw na ground offensive nila ay kanilang nakontrol na ang mga bayan ng Shaboura, Brazil, Tal as-Sultan, at Philadelphi Corridor.

Umabot na sa 22 sundalo ang nasawi at mahigit 300 ang sugatan sa nasabing labanan.

Nasa mahigit 550 rin ng mga Palestine fighter ang nasawi sa nasabing labanan.