-- Advertisements --

Minaliit lamang ng Israel ang pagtatalaga ng Hezbollah ng kanilang bagong lider.

Matapos kasi na mapatay si Hassan Nasralla sa isang airstrike noong nakaraang buwan ay ipinalit nila si Naim Qassem.

Sinabi naman ni Israeli Defence Minister Yoav Gallant, na ang temporaryo lamang ang pagkakatalaga kay Qassem.

Naniniwala nito na hindi rin ito magtatagal at kanila ring masusukol.

Magugunitang tiniyak ng Israel na lahat ay kanilang gagawin para tuluyang masawata ang lahat ng mga kuta ng Hezbollah at Hamas.