-- Advertisements --
Isinara ng Israel ang kanilang pangunahing border sa Gaza.
Ito ay matapos ang magkakasunod na pagpapaulan ng Palestinian militants ng mga mortar at rockets sa Southern Israel.
Dahil sa pangyayari ay dalawang katao na ang nasawi na pinaniniwalaang mga Thai agricultural workers at ikinasugat ng 10 iba pa.
Sa pang-siyam na araw labanan ay tiniyak ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na itutuloy pa rin ang operasyon kung kinakailangan.
Nauna rito binuksan ng Israel ang Kerem Shalom crossing para makadaan ang mga tulong sa Gaza subalit dahil sa patuloy na atake ng mga militant group ay kanila itong isinara.