-- Advertisements --
Naantala ang pagpapakawala ng Israel ng ilang daang Palestinian prisoners at detainees kapalit ang pagbabalik ng Israeli hostages.
Ayon sa Palestinian Prisoners Society na wala pang tiyak kung kailan itutuloy ang pagpapakawala ng mga Palestinian prisoners.
Una ng sinabi ng kampo ni Israeli Prime Minister nais nila ang garantiya sa Hamas na walang gagawing nakakababang loob na seremonya sa pagpapakawala ng bihag nila.
Kasama sanang mapapakawalan ang 620 na mga Palestinian prisoners at detainees kasama ang 23 bata at isang babae.
Magugunitang ikinagalit ng Israel ang ginawang seremonya at pagpaparada sa publiko ng Hamas sa mga bangkay ng bihag nila.