Nag-aalok ang Israel ng mga pagkakataon para sa libu-libong Pilipino na makapagtrabaho.
Ito ay matapos mabakante ang mga posisyon sa iba’t ibang larangan pagkatapos ng pag-atake ng Hamas sa Jewish state.
Si Ambassador Ilan Fluss ay nagbigay ng katiyakan na ang mga Pilipinong handang magtrabaho sa Israel ay mabibigyan ng maayos na proseso ng trabaho.
Sinabi ni Fluss na mayroong magagamit na mga pagkakataon sa larangan ng konstruksiyon, agrikultura at service hotel.
Libu-libong mga job opportunities ang naging available matapos ang mga manggagawang Palestinian mula sa Gaza ay hindi na pinayagang makapasok sa estado ng mga Hudyo mula nang magsimula ang digmaang Israel-Hamas.
Gayunpaman, hanggang ngayon, naka-hold pa rin ang deployment ng mga bagong manggagawang Pilipino sa Israel.
Noong Hunyo 2023, nangako na si Fluss na tugunan ang naturang alalahanin at sinabi na ang gobyerno ng Israel ay nagtatrabaho at gumagawa ng hakbang upang ayusin ang mga isyu.
Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 30,000 Filipino caregivers sa Israel, na bumubuo ng humigit-kumulang 40 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga caregiver sa naturang bansa.