-- Advertisements --

Nag-alok ng dalawang buwan na ceasefire ang Israel sa grupong Hamas, para pag-usapan ang pagpapalaya sa mga hostages sa Gaza.

Kung babablikan, nauna nang magbigay-mungkahi ang Hamas para tuldokan na ang giyera, kapalit ng pagpapalaya sa mga hostages, na siya namang tinanggihan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Ayon kay Netanyahu, hindi magiging garantisado ang kaligtasan ng mamamayan ng Israel kung papayag siya sa hiling ng Hamas.

Sa halip, pansamantalang pagpapatigil ng digmaan ang alok ng gobyerno ng Israel sa Hamas, kapalit ng pagpapalabas ng mga naka-detene na Palestino sa Israel, at pagpapalaya sa mga hostages sa Gaza.

Tinatayang nasa 132 na hostages pa ang nasa Gaza, habang 104 dito ang inaasahang buhay pa.

Ang mga naturang hostages ay mula pa nang dakipin ng grupong Hamas ang aabot sa 253 na Israeli noong Okutbre 7 ng nakaraang taon.

Kung matutuloy, ito na ang pinakamahabang ceasefire sa pagitan ng Israel at Hamas simula nang pumutok ang giyera ng magkabilang kampo.