-- Advertisements --

Muling binalaan ng Israel ang Hamas na hindi sila titigil sa airstrikes hanggang tuluyan ng mapalaya ang mga bihag na hawak nila.

Ayon kay Israeli Defense Minister Israel Katz, na may mga puwersa na silang handang sakupin ang malaking bahagi ng Gaza.

Pinayuhan na rin nila ang mga residente ng Gaza na lumikas para sa paghahanda ng malakas na airstrikes.

Nanindigan ito na hanggang magmamatigas ang Hamas na pakawalan ang mga bihag ay maraming mga teritoryo ang masasakop ng Israel.

Una ng sinabi ng Hamas na nakikipag-ugnayan na sila sa mga mediators na bansa gaya sa Qatar at Egypt para pigilan ang pag-atake ng Israel at bumalik sila sa ceasefire.

Magugunitang sa nagdaang dalawang araw ay hindi bababa sa 500 katao na ang nasawi sa airstrike ng Israel.