-- Advertisements --

Naglabas ng bagong video ang Israel Military kung paano nila napatay si Hamas lider Yahya Sinwar.

Sa nasabing video ay makikita ang pandigmang tangke na tinamaan ang gusali kung saan natagpuan si Sinwar.

Sinabi ni Lt. Col. Nadav Shoshani, the IDF’s international spokesperson, na mayroong tatlong terorista ang namaril at nagtapon ng granada sa kanilang sundalo sa Tel al-Sultan kaya gumanti sila.

Nakita nila si Sinwar na sugatan at pumasok sa gusali kaya ginamitan nila ito ng tangke at nilusob ang lugar.

Sa ginawang pagsusuri naman ni Dr. Chen Kugel, ang chief pathologist sa Israel’s National Center of Forensic Medicine sa Tel Aviv, nasawi si Sinwar sa tama ng bala sa ulo.

Bukod pa dito ay ilang sugat pa siya dahil sa pagtama ng tangke.

Kanilang pinutol umano ang daliri ni Sinwar para isailalim agad ito sa DNA testing kung saan kanila itong nakumpirma.

Magugunitang itinuturing si Sinwar ang nasa likod ng pag-atake ng Hamas sa Israle noong Oktubre 7 ng nakaraang taon.