-- Advertisements --

Naglunsad ng malawakang atake ang israel sa Lebanon.

Ang hakbang ay bilang ganti nila sa ginawang rocket attacks ng grupong Hezbollah ng Lebanon sa Israel na ikinasawi ng isang babae at ikinasugat ng walong iba pa.

Ayon kay Israel Defense Forces (IDF) spokesman, Daniel Hagari, nagpakawala ng mga missiles ang kanilang fighter jets sa teritoryo ng Lebanon.

Ang Hezbollah ay isang Shia Muslim organization na tinaguriang pinakamatinding armado at non-state military forces sa mundo.