-- Advertisements --
Nakausap na ni Israel spy chief David Barnea ang mga mediators na nagsusulong ceasefire deal.
Nagtungo ito sa Doha, Qatar para ibigay ang mga plano na nais ng Israel para maisakatuparan ang peace deal.
Itutuloy naman sa susunod na linggo ang negosasyon at may mga bagong delegasyon ang Israel na ipapadala.
Magugunitang nagpresenta ang Hamas ng mga bagong idea sa mga mediators kung paano maisakatuparan ang peace deal.