-- Advertisements --

Nagpahayag na ng interest ang Israel sa panibagong ceasefire deal proposal ng US.

Ito ang ipinarating ng mga opisyal ng Israel sa mga mediator na bansa na Qatar at Egypt.

Una ng sinabi rin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na handa itong makipagkasundo sa Hamas para sa pagpapalaya sa mga bihag.

Kinontra naman ng Hamas ang nasabing pahayag na ito ni Netanyahu dahil tila partial agreement lamang ang nais ng Israel kumpara sa nais nila ng full ceasefire agreement.