BEIRUT, Lebanon – Iniutos ng pamahalaan ng Israel na magsagawa ng malawakang evacuation sa timog na bahagi ng Lebanon gawa nga nang isang Third United Nation Peacekeepers ang nasugatan sa isang air strike mula sa Iran noong Sabado.
Ayon sa Lebanon Health Ministry, tinatayang aabot sa 15 indibidwal ang nasawi habang 37 naman ang sugatan sa mga pinakawalang airstrikes ng Iran sa tatlong magkakaibang siyudad sa Lebanon.
Isa nga sa mga naging target nito ay ang lungsod ng Dier Billa na kahit kailan ay hindi pa natatamaan buhat nang magumpisa ang giyera sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa inisyal na report naman ng mga Israeli military, nagpakawala umano ang grupo ng Hezbollah ng mahigit 320 projectiles kabilang na ang isang suicide UAV na siyang tinatarget ang central city ng Israel na Herzliya. Ang mga nasabing projectiles ay natukoy na pinakawalan mula sa Lebanon hanggang Israel.
Samantala, sa parehong araw ay inanunsyo ng mga Israelites troops na ilikas na ang halos 23 residente ng Southern Lebanese villages at tumungo muna sa hilagang bahagi ng Awali River.
Ang utos naman na ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng isang militay announcement.