Inihayag ng isang opisyal ng US na nagsagawa ng strike ang Israel sa loob ng Iran, isang hakbang na maaaring magtulak umano sa mas malalim na alitan ng dalawang bansa.
Agad namang in-activate ang mga air defense system ng Iran sa ilang lugar matapos marinig ang tatlong pagsabog malapit sa paliparan at isang army base sa lungsod ng Isfahan, Iran.
Tatlong pagsabog ang narinig malapit sa isang military base kung saan matatagpuan ang mga fighter jet sa hilagang-kanlurang bahagi ng Isfahan.
Batay sa ulat, ang posibleng target ng pagsabog ay isang military radar.
Nananatili namang talamak ang tensyon sa buong Middle East pagkatapos ng ilang dekada na shadow conflict sa pagitan ng Israel at Iran na sumiklab ngayong buwan, at nagpapataas naman sa posibilidad ng isang all out war.
Ang mga pagsabog ay tumama sa Iran ilang oras matapos sabihin ng Iran’s Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian sa media na kapag gumawa ng anumang karagdagang military action ang Israel laban sa Iran, tutugon agad umano ang Iran sa maximum level.
Samantala, kanselado naman ang mga outgoing flights mula sa ilang mga paliparan ng Iran.
Kabilang na sa mga naturang flights ang Tehran, Isfahan at Shiraz. Suspendido rin ang airports sa West, North West at South West.