-- Advertisements --

Naitala ng Israel ang kauna-unahang pagkasawi matapos dapuan ng Omicron coronavirus variant.

Isang lalaki na nasa 60-anyos ang nasawi habang naka-confine sa Soroka Medical Center sa Beersheba.

Ayon sa pagamutan, dumanas ang pasyente ng matinding sakit sa katawan at malubhang trangkaso.

Ito ay sa kabila na naturukan din umano ang pasyente ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines.

Nitong Martes lamang ay nagtala ang Israel ng 340 kaso ng Omicron variant ng COVID-19.