-- Advertisements --

Tiniyak ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na nakahanda sila sa anumang uri ng pag-atake.

Ito’y kasunod ng drone attack ng Iran.

Sa isang pahayag sinabi ni Netanyahu na naka deploy na ang kanilang defensive systems at nakahanda ang Israel sa anumang mga senaryo.

Pinasalamatan namn ni Netanyahu ang US, Great Britain, France at iba pang mga bansa sa kanilang suporta sa Israel.

Nanawagan si Netanyahu sa kaniyang mga constituents na sumunod sa direktiba ng IDF Home Front Command.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Israel Defense Force Spokesperson RAdm. Daniel Hagari, sa ngayon in full force na ang operasyon ng kanilang militar para depensahan ang kanilang estado at ang mga tao sa Israel laban sa mga pag-atake.

” Together with our partners, the IDF is operating at full force to defend the State of Israel and the people of Israel. This is a mission that we are determined and ready to fulfill,” pahayag ni Hagari.