-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nananatiling naka-heightened alert ngayon ang Tel Aviv sa Israel matapos ang sunod-sunod na drone at missile attacks ng Iran nitong Linggo, Abril a-14.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international correspondent Maristine Solomon, na kahit walang mga bombang nakapasok sa kanilang lugar, kinakabahan pa rin sila lalo na’t patuloy ang pagpalipad ng mga fighter jets ng Israel upang ma-intercept ang mga drones at missiles ng Iran.
Sa kabila nito’y patuloy pa rin ang kanilang pang-araw araw na trabaho at kung may maririnig silang alarm ay kaagad na silang papasok sa mga bomb shelters sa gusali kungsaan sila nagtatrabaho.