Nangangailangan ang Israel ng mas maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel sa kabila ng nagaganap na giyera doon.
Ayon kat Israeli Ambassador Ilan Fluss, nasa 800 mula sa 28,000 OFWs sa Israel ang na-repatriate matapos na makumpleto ang kanilang mga kontrata.
Kaugnay nito, nangangailangan ng libu-libong manggagawa ang Israel.
Mayroon aniya silang mga manggagawa na dineploy mula India, Sri Lanka at Thailand subalit walang OFWs na nagpupunta sa Israel sa kasalukuyan.
Una na rin kasing ipinagbawal ng gobyerno ng PH ang deployment ng OFWs sa Israel dahil na rin sa nangyayaring giyera na sumiklab noong October 7.
Nanindigan din ang Israeli envoy na maayos ang lahat sa Israel maging ang mga restaurant, hotel at cinema ay nagbukas na.
Gayundin bukas na ang Tel Aviv, Jerusalem Haifa at iba pang tourist destination para sa mga visitor.