-- Advertisements --

Napatay ng Israel ang lider ng Hezbollah militant group sa ginawa nilang airstrike sa Lebanon.

Kapwa kinumpirma ng Hezbollah at Israel Defense Forces ang pagkasawi ni Ali Muhammad al-Debs ang senior commander sa Iran-backed groups na elite Radwan Forces.

Si al-Debs ang isa sa mga nasa likod ng roadside bomb attacks sa Megiddo junctions sa Israel noong Marso 2023.

Magugunitang naglunsad ng malawakang airstrike ang Israel nitong nakaraang araw na ikinasawi ng nasa 10 katao.