-- Advertisements --

Nasa ibang stage na ang Israel sa pakikipaglaban nito sa mga Hamas militants.

Ayon kay Israel’s Defense Minister Yoav Gallant na nagkaroon sila ng “intensive manoeuvering stage” ng kanilang mga military offensive sa northern at southern Gaza.

May hakbang na rin aniya silang ginagawa para tuluyang masawata ang Hamas militants na nagtatago sa northern Gaza.

Dahil aniya sa mas pinaigting ng opensa laban sa mga Hamas ay maaring tuluyan na nilang malinisan ang northern at southern Gaza laban sa mga militant groups.