Sa kabila ng utos ng International Court of Justice o ICJ na wakasan na ang military operation sa Gaza at Rafah, patuloy pa rin ang ginagawang pag-atake ng Israel sa mga naturang lugar kung saan ilang buhay na naman ang naiulat na nasawi.
Ayon sa ruling ng ICJ, kailangan nang ihinto ng Israel ang pag-atake nito dahil sa “immense risk” sa 1.4 milyong Palestino na nakatira sa Rafah, ang southernmost part ng Gaza. Layon nitong matigil na ang tumataas na bilang ng mga namamatay dahil sa giyera at ang patuloy na humanitarian crisis sa lugar na nagreresulta ng labis na kagutuman ng mga tao roon.
Dahil sa hindi pagsunod ng Israel, nananawagan si UN special rapporteur on the occupied Palestinian territories Francesca Albanese na dapat aniyang mag-impose na ng sanctions sa Israel gaya na lamang ng pag-suspinde sa diplomatic political relations dito.