-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pag-pressure ng Israel sa Hamas para tumugon sa isinusulong na ceasefire deal.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mararapat na masunod ang kaniyang hiling na pakawalan ng Hamas ang mga bihag nilang Israelis bago pumayag sa ceasefire.

Dagdag pa nito na hindi magbabago ang kaniyang desisyon na tuluyang burahin ang mga Hamas sa Gaza.

Magugunitang patuloy ang panghihikayat ng Qatar, Egypt at US na nagsisilbing mediator na dapat tumugon na ang Hamas at Israel sa ceasefire deal.