-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng Israel ang naging tugon ng Hamas sa panibagong peace proposal.

Ayon sa Mossad intelligence agency ng Israel na kabilang sa nasabing proposal ang pagpapalaya sa mga bihag at ang ceasefire sa Gaza.

May mga mediators na ipinadala ang Israel para sa hostage deal kung saan umaasa ito na tutugan agad ang Hamas.

Magugunitang nanguna ang Qatar at Egypt kasama ang US na nagsusulong ng peace deal sa Hamas.