-- Advertisements --

Nagkumahog ngayon ang Israel Defense Forces (IDF) para harangin ang missiles na inilunsad mula sa Iran.

Tumunog ang mga sirena sa Israel matapos na madetect ang pagdating ng mga missiles.

Malaki ang hinala ng Israel na target ng nasabing missiles ang kanilang mga air bases at command centers.

Bilang paghahanda ay pinalikas ng mga personnel nila sa air bases at intelligence base na matatagpuan sa north ng Tel Aviv.

Una ng sinabi ng US na may nakuha silang intelligence report na sa loob ng 12 oras ay magsasagawa ang airstrike ang Iran.