-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Israel ang mga may edad na tuturukan ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.

Kabilang na ngayon ang mga may edad 40 pataas at ang mga guro sa tuturukan ng Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine.

Umaasa ang health minister ng nasabing bansa na sa ganitong paraan ay malalaban na nila ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Ang nasabing pagpalawig ng booster eligibility ay base na rin sa rekomendasyon ng mga Health Ministry experts matapos ang anunsiyo na rin ng US sa pagkakaroon ng booster shots sa darating na Setyembre.

Bukod kasi sa Israel ay pinaplano na ng Canada, France at Germany ang pagkakaroon na rin ng mga booster vaccine.