-- Advertisements --

Nagsimula nang payagan ng Israel ang mga Palestinian na makabalik sa Northern Gaza matapos ang isang ceasefire deal sa Hamas. Ito’y matapos tumagal ng 15-buwang digmaan laban sa Hamas.

Ang alitan sa pagitan ng Hamas at Israel hinggil sa pagkakasunod-sunod ng mga bihag na pinalaya kapalit ng mga bilanggo ng Palestinian na nagbigay daan sa pagbubukas ng crossing.

Kung saan Libu-libong Palestinian ang nadiskubreng nagtatago sa mga tent camps at mga paaralan na ginawang silungan umano ng Hamas sa loob ng higit isang taon.

Maraming tahanan ang marahil ay nasira o nawasak, at may mga takot na gawing permanente ng Israel ang kanilang pagpapalikas.

Tinukoy ng Hamas ang pagbabalik bilang isang “tagumpay” at isang ”kabiguan” para sa mga plano ng Israel na okupahan ang lugar.

Ang ceasefire kasi ay naglalayong tapusin ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas at tiyakin ang pagpapalaya ng mga bihag na kinidnap noong umatake ang Hamas, Oktubre 7, 2023.

Matatandaan na inutos ng Israel ang pagpapalikas ng mga Palestino sa unang mga araw ng digmaan at ito ay isinara matapos magsimula ang mga ground troops.

Ang Northgern Gaza ang nakaranas ng pinakamabigat na labanan at pagkawasak sa digmaan.

PAGPAPALAYA NG MGA BIHAG AT KASUNDUAN SA CEASEFIRE

Inantala ng Israel ang pagbukas ng crossing hanggang sa mapalaya ang isang babaeng bihag na sibilyan, na kinilala na si Arbel Yehoud. ang naturang desisyon ay nagbukas ng agam-agam sa grupo ng rebeldeng Hamas kung saan inakusahan ang Israel ng paglabag sa kasunduan sa ceasefire sa hindi pagbubukas ng crossing.

Paliwanag ng Qatar na ang nangyaring kasunduan ay kasama para sa pagpapalaya kay Yehoud at dalawang iba pang bihag bago ang nakatakdang araw ng pagpapalaya.


Kinumpirma ito ni Israel Prime Minister Netanyahu na ang pagpapalaya ng mga bihag, kabilang ang babaeng sundalong si Agam Berger, kasama ang mga karagdagang pagpapalaya na naka-iskedyul bago ang pagpapalaya sa mga Palestino.

Samantala, nakatakdang palayain ang nasa 33 na bihag ng Hamas kapalit ng pagpapalaya ng halos 2,000 na mga Palestinong bilanggo mula sa Israel.

Nababatid na pitong bihag na, kabilang ang apat na babaeng sundalo, ang nailabas na ng Hamas.

Hiniling naman ng Hamas na wakasan ng Israel ang digmaan para sa pagpapalaya ng natitirang mga bihag habang hindi pa napag-uusapan ang ikalawang yugto ng ceasefire hinggil sa pagpapalaya ng natitirang mga hostage.

Nais kasi ng Hamas na itigil ang digmaan bago palayain ang natitirang 60 hostages.

Mahigit 47,000 Palestinian ang napatay sa digmaan, karamihan ay kababaihan at mga bata. Depensa ng Israel na pinatay umano ng Hamas ang nasa 17,000 na mga sibilyan dito ngunit ‘walang sumusuporta na ebidensiya ukol dito. Ang digmaan kasi ay nagdulot ng paglikas ng nasa 90% na populasyon ng Gaza na nagresulta naman ng malawakang pagkasira ng mga komunidad.