-- Advertisements --
Inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang pagturok ng COVID-19 vaccine sa mga batang may edad lima hanggang 11-anyos na mayroong matinding sakit.
Ayon sa Israel health ministry na kanilang bibigyang ng COVID-19 vaccine ang mga bata sa nasabing edad na malubha na ang sakit at nasa bingit na ng kamatayan ang mga ito.
Bawat pagpapabakuna aniya ay kanila ring pag-aaralan depende sa bawat kalagayan.
Ilan sa mga nakalistang karamdaman na kanilang tuturukan ay ang batang mayroong sakit sa utak, puso, baga, sever immunosuppression, sickle cell anemia, pulmonary hypertension at severe obesity.