-- Advertisements --

Plano ng Israel Military na ilipat ang nasa 1.4 milyon na mga displaced Palestinians mula sa Rafah City patungo sa ibang lugar bago ang gagawin nilang pag-atake.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagmamatigas ng Israel na hindi sila titigil sa pag-atake sa Rafah kahit na pinipigilan sila ng maraming bansa.

Ang Rafah City kasi ay siyang tinakbuhan ng maraming mga Palestino mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang military operations sa Gaza.

Magugunitang pinangunahan ng United Nations ang panawagan sa Israel na tigilan na ang atake sa Rafah City dahil sa pangambang maraming mga sibilyan ang madadamay.