-- Advertisements --

Binalaan ng Prime Minister ng Israel ang international community matapos na mahalal bilang bagong pangulo ng Iran si Ebrahim Raisi.

Sinabi ni Israeli Prime Minister Naftali Bennett na isusulong ng bagong pangulo ng Iran ang nuclear weapons.

Kahit na makailang beses na itinatanggi ng Iran na mayroon silang nuclear weapon ay hindi naniniwala dito si Naftali.

Maguguintang nagwagi si Raisi sa presidential election ng Iran nitong Sabado.

Sa kaniyang talumpati matapos na magwagi sinabi nito na titiyakin niyang palalakasin ang tiwala sa gobyerno at maging lider sa buong bansa.

Itinakda sa Agosto ang panunumpa sa puwesto ni Raisi.