-- Advertisements --

Bumisita si Israeli Prime Minister Naftali Bennett sa Russia para makipagpulong kay Russian President Vladimir Putin.

Makailang beses ng nagpulong ang dalawa kung saan mayroon aniya silang magandang samahan.

Bukod kay Bennett ay kasama rin nito ang kaniyang Housing Minister na si Zeev Elkin, na nagsilbing Russian Translator.

Nauna rito ay nanawagan si Ukrainian President Vlolodymyr Zelensky sa Israeli prime minister na mamagitan sa nangyayaring sigalot sa pagitan nila ng Russia.