Tumuloy pa rin si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Hungary sa kabila ng banta ng arrest warrant mula sa International Criminal Court laban sa kanya.
Ito ay may kinalaman sa umano’y war crimes sa Gaza sa nagpapatuloy na giyera ng Israel at Hamas Militant.
Ayon sa defense minister ng Hungary , ang pagbisita ni Netanyahu ay para paunlakan ang imbitasyon ni Hungarian Prime Minister Viktor Orban.
Sa post online ng defense minister ng Hungary ay winelcome nito si Netanyahu sa kanyang pagdating sa airport sa kabisera ng Hungary.
Nakatakdang makipagpulong ang PM ng Israel kay Hungarian Prime Minister Viktor Orban.
Ang imbitasyon ni Orban kay Netanyahu ay ipinaabot isang araw matapos na mailabas ang ICC warrant laban sa Israeli leader.
Nangako naman ang Hungarian leader na hindi nito ipapatupad ang naturang arrest warrant sa kabila ng pagiging miyembro nito sa ICC.